PHP30M quick response fund, hindi umano sapat kung aabutin pa ng 3 buwan ang pamamalagi ng mga bakwit sa evacuation centers – APSEMO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na kulang na ang PHP30M quick response fund sakali mang abutin pa ng 3 buwan o higit pa ang pamamalagi ng mga evacuees sa mga evacuation centers dahil sa Bulkang Mayon.

Ayon kay APSEMO Head Dr. Cedric D. Daep, hindi na sasapat ang natitirang quick response fund na aabot na lamang sa PHP4.18M para sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga bakwit kung tumagal pa ng ilang buwan ang pananatili nila sa mga ECs.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinabi pa ni Daep na posible silang magdeklara ng financial depletion sa mga susunod na araw.

Dapat umanong magpresenta ang bawat lead agency o department ng bawat detalye ng mga kinakailangang suporta para sa pagpapatupad ng kanilang mga response activities sakaling magsumite ang lalawigan ng augmentation request.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Dahil dito, pinaghahanda na rin ngayon ng PGA ang binuong 12 mga working clusters para sa posibleng donors forum kung tumagal pa ang abnormalidad ng nasabing bulkan.