LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng PHP2M halaga ng financial aid ang lalawigan ng Albay mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Masbate para sa Mayon operations.
Nag-donate ang PGM sa pangunguna ni Gov. Antonio Kho para makatulong sa nasabing operasyon.
Sa ngalan ng Masbate Governor, personal na iniabot ng kanilang Provincial Treasurer na si Eduardo Arcenas ang tseke kay Albay Governor Edcel “Grex”Lagman kasama siAlbay Provincial Treasurer Mayflor Atos-Deang.
Sa isang social media post naman, nagpasalamat si Lagman kay Kho, kung saan aniya ang perang donasyon ay asahang maipamamahagi sa lahat ng apektadong LGUs.
Samantala, pang-apat ang Masbate sa listahan ng mga benefactor na may mga monetary donations na inilaan para sa mga gastusin sa operasyon ng Mayon.