Produkto ng mga MSME sa region 12, tampok sa Yaman DOSE Trade Expo

KORONDAL CITY- UPANG matulungan ang mga micro-small and medium enterprises o MSME’s na maisulong ang kanilang produkto at sales sa gitna ng COVID 19 pandemic, magsasagawa ang Department of Trade and Industry ukon DTI Region ng Yaman DOSE Trade Expo na magsisimula sa November 15 hanggang November 21.

Ito ay gaganapin sa Atrium ng SM City sa General Santos.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Inihayag ni DTI 12 Regional Director Jude Constantine Jaugan na tampok sa naturang trade expo ang mga produkto ng 24 na mga MSME’s sa rehiyon katulad ng mga furnitures, fashion bags and accessories, processed foods, face masks, PPEs, Tnalak bags and accessories, kape, banana chips, dairy products at mga souvenirs at novelty items.

Lalahukan ito ng pitong mga MSME mula sa General Santos City, lima sa South Cotabato at lima din sa Cotabato, apat ang taga Sultan Kudarat, at tatlo ang taga Saranggani province.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

Ang mga ito ay benepisyaryo ng mga technical trainings at mentoring sessions ng DTI.

Mayroon ding libreng business consultation, seminar at online training na gagawin sa naturang event.