Karoling ngayong pasko pinapayagan ng DOH

Suportado ng Department of Health ang naunang pahayag ng DILG na payagan ang karoling ngayong pasko.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire maaring magkaroling basta’t ito ay isasagawa sa labas at ang mga mangangaroling ay nakasuot ng facemasks at face shield.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Pinalalahanan ni Vergiere na mas maraming respiratory droplets ang lumalabas kapag kumakanta kaya’t kailangan ng protectives gears panlaban sa virus.

Magugunitang noong nakaraang linggo nang ibaba ng IATF sa alert level 2 ang Metro Manila at payagan ang mga menor de edad na makalabas na ang bahay.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Sa pinakahuling tala ng DOH, nasa 1,409 COVID-19 cases ang nairecord sa bansa na siyang pinakamababa sa loob ng siyam na buwan.