Probinsya ng Batanes at Cagayan, tuloy-tuloy sa mga operasyon para paghandaan ang epekto ng Bagyong Goring

Inilatag na ng probinsya ng Batanes at Cagayan ang kanilang mga paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Goring.

Ayon kay Batanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) head Roldan Esdicul, nakapag-preposition na sila ng family food packs sa bawat munisipyo.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Nagkaroon na rin umano sila ng pre-disaster risk assessment kung saan nila natukoy ang mga bagay na kanilang kakailanganin pa.

Samantala, sinabi naman ni  Cagayan PDRRMO head Ruelie Rapsing na bawat barangay sa Cagayan ay may mga stockpile na, at naka-standby na rin ang mga relief goods sa naturang mga munisipalidad.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Paliwanag ni Esdicul, tuloy-tuloy na nasira ang kanilang mga halaman lalo bago ang pananalasa ng Bagyong Goring, sinusubukan pa nilang bumangon mula sa naging epekto ng Bagyong Egay.