Tiniyak ni Senator Francis Tolentino na ipagpapatuloy ng blue ribbon committee ang kanilang tungkulin at pagtulong upang malaman ang katotohonan sa umano’y overpriced laptop dead noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay kasunod ng paglalagay ng Office of the Ombudsman sa anim na buwang suspension ng 12 Department of Education (DepEd) and Department of Budget and Management (DBM) officials.
Ayon kay Tolentino, ang Order ng Ombudsman sa Case No. 23-0091 ang siyang nagpapatunay na tama ang ginawa at naging direksyon ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan naglabas ang komite ng report hinggoil sa kontrobersyal na 2.4 billion laptop deal.
Kaugnay nito, hindi umano nasayang ang ginawang mga pagdinig ng committee.
Ilan sa mga nasuspinde ay sina Department of Budget and Management undersecretary Lloyd Christopher Lao, DepEd Undersecretaries Annalyn Sevilla, at Alain del Pascua.