PRO3, kikilos laban sa sindikatong nambiktima ng mga negosyante sa Central Luzon

Tutulungan ng Police Regional Office ang mga nabiktima ng isang sindikato sa Central Luzon na ang modus ay hindi magbayad ng milyon-milyong halaga ng mga inorder na produkto.

Ito ay para masampahan ng kaso at maikulong ang mga miyembro ng grupo na ang target ay manloko ng mga negosyante ng bigas, telebisyon, aircondition units, mga pagkain at maraming iba pa.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Matatandaan, mula noong September 22 hanggang October 3 ay umabot sa mahigit tatlumpong mga negosyante ang naloko ng isang nagpakilalang pamilya na pansamantalang nanirahan sa isang subdibisyon sa bayan ng Subic.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay PRO3 Dir. Pbgen. Valeriano De Leon, kakausapin ng personal ang ilan sa mga nabiktima para makuhanan ng mga ebidensya at mahikayat na magsampa ng kaso na magiging daan para maaresto ang mga suspek.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of text that says 'MAXAN Mangosteen MAXAN Xanthone angoste MAXAN AGARICUS MUSCHROOM THAT COULD HELP BOOST IMMUNITY Lazada'