Principal ng CamHigh, may panawagan sa publiko matapos ang pagkakabasura sa kaso ng Roselle Bandojo Killing

NAGA CITY- Ikinalungot ng Camarines Sur National High School Community ang pagkakabasura ng Prosecution Office sa kaso laban sa suspek sa pagpatay sa dalagitang si Roselle Bandojo.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Camhigh Principal Dr. Sulpicio Alferez III, umasa na sana silang mabibigyan ng hustisya ang kanilang dating mag-aaral nang mabatid na kakasuhan na ang suspek na si Lorenzo Purisima pero hindi pala naging sapat ang mga ebidensya na magdidiin dito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire
Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nanawagan ang Punong Guro sa publiko na tumulong upang  madagdagan ang mga ebidensya. Magbigay ng mga impormasyon o kung ano pa man ang maitutulong.

Tulad ng dati , plano ng camhigh na makiisa sa panawagan ng hustisya sa Senior High Student.