Task Bandojo planong magsumite ng motion for reconsideration matapos na ibasura ng piskalya sa Naga City ang kasong robbery with homicide laban sa suspek

NAGA CITY –Agad na nagsagawa ng pagme-meeting ang Task Bandojo na pinamumunuan ni City Councilor Melvin Ramon “Omar “ Buenafe matapos na ibasura ng piskalya sa Naga City ang sanay kasong Robbery with Homicide sa suspek na itinuturong diumano’y nasa likod ng pamamaslang sa 17 taong dalagitang si Roselle Bandojo.

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Sa pakikipag-usap sa mga taga media at sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Buenafe na nagkaisa silang nasa Task Force Bandojo na magsumite ng motion for reconsideration, at kokompletuhin din nila ang iba pang mga kulang na mga dokumento at ebidensiya na hinihingi ng prosecutors office.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon pa sa opisyal ,  nalulungkot sila at nadidismaya sa nangyari subalit ginagalang nila ang desisyon ng piskalya.

Kabilang sa mga miyembro ng Task Bandojo ay ang ilang mga personahe ng National Bureau of Investigation at mga imbestigador ng Naga City Police Office.