CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Provincial Health Office na nakahanda ang mga government hospital sa Camarines Norte sa mga biktima ng paputok sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Ayon kay Senior Health Program Officer Sofia Lorna Ravago, lahat ng mga goverment ospital sa lalawigan ay nakahanda lalo na kapag isinailalim na ang mga ito sa code white alert.
Target umano ng PHO ang zero casualty sa paputok.
Huling nakapagtala ng double digit na firecracker related injury sa Camarines Norte noong 2019 na mayroong 14.
Karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay edad 21- 28 at 5- 11.
Noong 2020 sa kasagsagan ng COVID- 19 pandemic isang kaso lang ang naitala at noong 2021 at 2022 ay parehong may dalawang kaso.
Magsisimula naman sa December 21 ang pagtatala sa mga firecracker related injury hanggang January 6, 2024.
Nakikipag ugnayan din umano ang PHO sa mga pribadong ospital para sa reporting ng firecraker related injury.
Sa kabila naman ng ginagawang paghahanda ng gobyerno nagpaalala si Ravago sa publiko na huwag nang gumamit na paputok para sa ligtas na pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
