Kumasa na si Representative Margarita Nograles sa hamon ni dating Presidential Son Paolo Duterte na sumailalim sa hair follicle drug test.
Ginawa ni Nograles ang drug test sa Hi-Precision Laboratory sa Bajada, Davao City ngayong hapon.
Ayon kay Nograles, hindi niya ito itinuturing na hamon kundi para sa pananagutan at transparency.
Sa kabilang banda, muli namang sumailalim si Congressman Duterte sa hair follicle test pero sa halip na sa Davao ay sa Mandaluyong City niya ito ginawa ngayong araw.
Sinabi ni Nograles na sayang na hindi sila nagkita sa Davao ngunit ang mahalaga ay sabay silang nagpa-test.
Ipinauubaya naman ng kongresista sa mga kasamahang mambabatas kung susunod ang mga ito sa pagsasailalim sa drug test matapos hamunin ni Vice President Sara Duterte.