Lalaking umanoy nag-treasure hunting, natagpuang patay

Pinaniniwalaang inatake sa puso at nalunod ang sanhi ng pagkamatay ng isang 81-anyos na lalaking palutang-lutang.

Natagpuan ito sa Hidden Falls sa Barangay Palinpinon, Valencia, Negros Oriental alas 11:00 ng umaga ng Linggo, Agosto 11, 2024.

Read More:  Three former NPA members surrender in Eastern Visayas

Nilalangaw nang nadatnan ng kapulisan ang bangkay.

Kalaunan, nakilala ng pamilya ang biktima na si Wenifredo na residente ng Barangay Tupas sa nasabing bayan.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Iilan sa mga residente ang nagsabing nag-treasure hunting umano sa lugar ang biktima.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan hingil sa insidente.