Prexy aspirants: Mahinang sistema, batas ugat ng korapsyon sa bansa

Tinalakay ng siyam na presidential contenders ang ugat na dahilan ng korapsyon sa bansa.

Ang bawat kandidato na dumalo sa ikalawang round ng debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) ay binigyan ng 90 segundo para sagutin kung ang korapsyon ba sa bansa ay dulot ng mahinang batas at sistema ng mga lider.

Ayon sa limang kandidato, ang korapsyon ay dahil sa mahinang sistema at batas sa bansa, kung saan para kay labor leader Leody de Guzman, kailangang i-reinforce ang kasalukuyang batas laban sa korapsyon at anti-corruption institutions.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Iminungkahi rin nito na kailangang ireporma ang election system, at isulong ang pagban sa political dynasties.

Pabor naman dito si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at sinabing dapat limitahan ang human intervention sa mga transaksyon ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-adopt ng teknolohiya na pipigil sa corruption.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Para kay dating Defense Secretary Norberto Gonzales, binigyang diin nito na kailangan magshift sa parliamentary system, kung saan dito umano lumalabas ang kagalingan ng bawat mamumuno, at hindi pera.

Giit naman ni businessman Faisal Mangondato, panahon na para iwanan ang lumang nakagawiang sistema. //MHEL PCIA-TRINIDAD