27-M COVID vax doses, malapit nang mag-expire

Nagbabala si Presidential Adviser for Entrepreneurship Jose “Joey” Concepcion III na may halos 27 million doses ng COVID-19 vaccines na binili ng Pilipinas ang nakatakdang mag-expire kung hindi magagamit sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Concepcion, nakatanggap ang bansa ng 237 million vaccine doses, pero tanging 140.7 million palang ang nagagamit, at may 27 million shots ang mag-eexpire sa Hunyo.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) lumalabas na 142.236 million doses as of March 30 ang naturok na, kung saan 64.332 ang first doses, 65.885 complete doses, at 12.018 million ang booster doses.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Matatandaan na noong Enero, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang bansa ay nakakuha ng $800 million o P40 billion na halaga ng loan financing mula sa multilateral lenders para pondohan ang booster shots.

Dahil dito, kung hindi umano magagamit ang naturang mga bakuna, masasayang ang buwis na ibinayad ng mga Pilipino. //MHEL PACIA-TRINIDAD