Comelec, magsasagawa ng final testing, sealing ng mga VCMs mula May 2-7

Hinimok ng Commission on Elections ang partisipasyon ng mga stakeholders sa final testing at sealing ng mga vote counting machines (VCM) na itinakda sa susuno na buwan, sa layuning matiyak ang transparency para sa May 9 polls.

Kaugnay nito, nanawagan si Comelec Commissioner George Garcia sa mga political parties at publiko na dumalo sa final testing at sealing ng vote counting machines mula May 2 hanggang 7 sa mga precincts sa buong bansa.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Sa naturang period, ang mga VCMs ay itetest para matiyak na handa itong gamitin sa araw ng halalan.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Paliwanag ni Garcia, magpiprint ang mga makina ng resibo, at pagbukas na zero ito, ibig sabihin ay walang kalaman laman ang mga makina.

Dagdag ni Garcia, ang mga participants sa final sealing at testing ay maaring mag-undervote, overvote, mag-shade ng hindi tama, magmarka o pumunit ng balota para makita kung ito ay tatanggapin ng mga VCMs. //MHEL PACIA-TRINIDAD