Presyo ng tilapia, hindi dapat tumaas – BFAR

Iginiit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na hindi dapat tumaas ang presyo ng tilapia at bangus na galing sa Taal Lake sa iba’t-ibang palengke at pamilihan sa CALABARZON at maging sa Metro Manila.

Sinabi ni BFAR-4A Regional Director Sammy Malvas na masyadong maliit lamang ang bilang ng mga namatay na isda kahapon sa lawa para gumalaw kaagad ang presyo nito.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Aniya, pasok pa rin naman sa presyo ang farmgate price na 70 hanggang 90 pesos kada kilo ng tilapia.

Read More:  Tragic outing ends in heartbreak as 19-year-old drowns in Cebu sea; two friends survive

Kung ganito aniya ng presyuhan ng tilapia sa lawa ng Taal, dapat ay stable pa rin ang presyo ng tilapia sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Metro Manila.

Sa ngayon ay naglalaro sa P100 hanggang P120 ang kada kilo ng tilapia sa mga palengke sa Metro Manila.