CAMARINES NORTE- Mataas pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng ipinatupad na big time roll back nitong Martes.
Naglalaro pa rin ngayon sa mahigit P83 hanggang P88 ang kada litro ng diesel habang P83. 60 hanggang P85. 59 naman sa gasolina.
Inalam ng Brigada News ang presyo ng petroleum products sa ilang gasolinahan sa Daet at karatig bayan.
Sa Shell Mancruz nasa P83. 15 ang presyo sa kada litro ng Fuel save diesel, P88. 14 sa V power diesel, P83. 60 sa kanilang Fuel save gasoline at P85. 59 sa V power gasoline.
Sa Seaoil nasa P 83. 15 sa exceed diesel, P83. 60 sa kanilang Extreme U at P84. 10 sa Extreme 95.
Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.
Wala ring pinagkaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para sa kanilang diesel, Xtra advance at XCS habang P85. 15 naman sa Turbo diesel.
Pagdating naman sa Phonenix petroleum, nasa P86. 25 ang kada litro ng diesel, P86. 30 sa super unleaded habang P86 80 sa Premium.
Sa Petro Gazz Basud, nasa P82. 95 ang kada litro ng GDZL power, P81. 35 sa GPrime 91 at P81. 85 sa GPremium.
Mas mataas ang presyo ng petroleum product sa Camarines Norte kumpara sa karatig na lalawigan ng Camarines Sur.
Kaya naman sa kaniyang inaugural speech, nagbanta si Governor Ricarte “Dong” Padilla na paiimbestigahan niya ang di umano’y cartel na nagkokontrol sa presyo ng mga produktong petrolyo sa lalawigan.
