Anti- carnapping campaign pinaigting ng PNP- HPG sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Pinaigting ng PNP Highway Patrol Group sa lalawigan ng Camarines Norte ang kampanya kontra carnapping.

Nitong Miyerkules ng umaga ay nadaanan ng Brigada News ang Provincial Highway Patrol Team sa pangunguna ni PEMS Renita Quilas, PESPO sa kahabaan ng Mercedes Road na nagsasagawa ng anti criminality at carnaping operation.

Katuwang ng HPG ang local traffic enforcer sa pagpapahinto at pag- check sa mga dumaraang sasakyan.

Ipinakita ni Quilas sa Brigada News kung papaanong sa isang click lang sa computer ay malalaman kung carnap o hindi ang sasakyan.

Read More:  Davao City fire incidents surge nearly 80% in 2026

Kinakailangan lamang i- type ang plate number nito para malaman kung carnap o hindi.

Kamakalian lang umano ay isang carnap na motorsiklo ang narekober dahil sa pag verify ng datos sa kanilang database.

Kapag nakaalarma kasi ang sasakyan ay wala itong lusot saan mang panig ng bansa.

Upang maiwasan ang mga insidente ng carnaping ay dati nang nagpalabas ng tips ang HPG ukol dito.

Sa mga nagmamay- ari ng sasakyan mahalagang ugaliin na naka lock ang pinto habang nagbibiyahe o kaya ay naka- parking.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Magparking lamang sa ligtas na lugar at iwasang mag iwan ng mahahalagang gamit sa sasakyan.

Dapat rin umanong iwasan ang maghintay sa loob ng sasakyan o kung hindi maiiwasan ay i- lock ang pinto.

Iwasan din ang paghinto sa isolated na lugar, mag install ng alarm and devices sa sasakyan at mahalaga ring alam ang PNP hotline na maaaring tawagan kung kakailanganin.

May paalala rin ang HPG sa mga bibili ng second hand na sasakyan na ipa- check ito sa kanila.