Itinatayong malaking Solar Power Plant sa San Marcelino binisita ng alkalde

Binisita ni San Marcelino Mayor Elmer Soria ang itinatayong sinasabing Solar Power Plant sa Barangay Sta. Fe.

Sinasabing ito ang pinakamalaking solar power plant sa bansa at isa rin sa pinakamalaki sa Southeast Asia

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Ang solar power plant ay aabot sa 500 MegaWatts, Direct Current(MWDC) na may tatlong phase at inaasahang mapapakinabangan sa susunod na taong 2023.

Sa ngayon dahil sa patuloy na konstruksyon ay nakakapagbigay rin ito ng trabaho sa mga residente ng Sta. Fe, Aglao at San Rafael.

Read More:  Wind power firm ordered to halt operations over permit violations

Nitong nakalipas na araw ay personal na pumunta sa site ang alkalde na sinalubong naman ng ilang mga opisyal ng kompanyang PowerChina/Santa Cruz Solar Energy Inc.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO