Presyo ng LPG, posibleng pumalo sa P1,300 kung…

Pinangangambahang posibleng sumipa ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa bansa ng hanggang P119.53 per liter—o halos P1,314 per 11 kilogram cylinder— kung magpapatuloy ang pagtaas ng international fuel prices.

Read More:  Davao Region outpaces national economic growth at 5.1%

Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. mangyayari ito kung ang oil prices sa Dubai ay umabot sa $140 per barrel.

Sa $120 per barrel, ang presyo ng LPG ay nakikitang papalo sa P106.38 per liter habang sa $130 per barrel, inaasahang papalo ang presyo ng LPG sa P112.95 per liter.

Read More:  Poa declines to confirm Ramil Madriaga as defense star witness

Sa kasalukuyan, ang presyo sa bawat 11-kilogram cylinder ng LPG ay naglalaro mula P880.45 hanggang 1140.00 o P80.04 hanggang 103.63 per liter as of March 2022.