Nagpatupad na ang gobyerno ng total ban sa employment ng mga overseas Filipino workers sa war-torn Ukraine.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, ito ay dahil kasalukuyang nasa Alert Level 4 na ang naturang bansa bunsod ng paglusob ng Russia.
Sa ilalim ng naturang alerto, sasagutin ng gobyerno ang mandatory evacuation sa lahat ng mga Pilipino doon.

Sinabi ni POEA administrator Bernard Olalia na hangga’t may kagulugan sa Ukraine, mananatili ang Alert Level 4 doon, at magtatagal din ang deployment ban.