DTI, nag-abiso ng posibleng price hike sa sardinas

Nag-abiso ang Department of Trade and Industry na posibleng tumaas ang presyo ng canned sardines, pero mananatili naman ang presyo ng tinapay para sa susunod na tatlong buwan.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nakatanggap sila ng request mula sa isang manufacturer ng sardinas para sa pagtataas ng presyo, dahil sa increases ng fuel costs.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Pero paglilinaw ni Castelo, hindi naman agad na eepekto ang price hikes para sa canned sardines, matapos aprubahan.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Dagdag nito, bibigyan ang gobyerno ng panahon kung kailan maari itong ipatupad.

Samantala, ang mga bakers at bread manufacturers ay hindi pa humihiling sa DTI para sa price increase, dahil ang supplies ng harina ay secured na hanggang sa tatlong buwan.