Presyo ng ilang bulaklak sa Dangwa, tumaas na

Dalawang araw na lang bago ang Valentine’s Day – hindi pa masyadong dama ang mga mamimili ng bulaklak sa Dangwa Flower Market sa Maynila.

Dahil dito, inaasahan ng mga nagtitinda simula bukas hanggang sa mismong araw ng mga puso dadagsa ang mga mamimili.

Mabibili ang mga flower arrangement na magandang panregalo sa halagang P400 hanggang P2000.

Read More:  Remulla rebukes Bondoc over ICC warrant service

Tampok rin sa dangwa ang iba’t ibang gimik sa bouquet na naglalaro ang presyo sa P2500 hanggang P4000.

Mabenta ang mga sunflower arrangements na mabibili sa halagang P300 hanggang P500.

Sa ngayon ay tumaas na ang presyo ng ibang bulaklak gaya nalang ng rosas na nasa 150 hanggang 180 kada piraso.

Read More:  Lacson: online participation may not be allowed in impeachment trial

Mabibili naman sa halagang P1200 ang isang dosenang flower arrangement ng mga rosas.

Samantala, sa panayam ng Brigada News FM Manila sa mga flower vendor, nakadepende raw sa suplay ng bulaklak kung magtataas sila ng presyo sa mismong araw ng mga puso.