Nilinaw ni Senate Committee on Public Services, Chairperson, Senadora Grace Poe na bukas na ang ekonomiya ng Pilipinas sa mga foreign investors, taliwas sa paniniwala ng iba.
Ayon kay Poe, naging bukas ang ekonomiya nang isabatas ang RA 11659 o Public Service Act na nagbibigay pahintulot sa 100% foreign ownership sa mga pampublikong serbisyo.
Kaugnay nito, nanindigan ang senadora na hindi naman kinakailangan na amyendahan ang Konstitusyon at gumamit ng constitutional convention (con-con), constituent assembly (con-ass) at ng mala-pekeng initiative upang buksan at palaguin ang ekonomiya.
Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng Resolution of Both Houses No. 6 (RBH6) ay tila mabubuksan ang lahat ng public utilities sa foreign investors ngunit posible namang mawala ang constitutional protection.