Presyo ng ilang bilihin tumaas ngayong Abril – ayon sa PSA

Tumaas ang ilang bilihin tulad ng bigas at mantika ngayong buwan ng Abril.

Ayon sa Philippine Statistic Authority, ang average retail price ng kilo ng regular milled rice ay umakyat sa P51.39 sa pagitan ng April 1 at 5, mula sa presyo noong nakaraang buwan na P51.21 at P51.14.

Ang average cost naman ng fresh pork kasim ay tumaas din sa P336.42 kada kilo sa unang bahagi ng Abril, kumpara sa nakaraang average retail prices na P333.64 at P331.80.

Naitala rin ang pagtaas sa presyo ng mantika, na pumalo sa P156.78 kada litro sa nasabing period, mula sa P154.75 at P154.96 noong Marso.

Gayundin, nakapagtala ang average farmgate price ng palay ng year-on-year increase na 32 porsyento noong Marso sa P24.52 kada kilo mula P18.57 sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *