CAMARINES NORTE- Halos hindi ramdam ng mga motorista ang ipinatupad na katiting na oil price rollback ng mga kumpanya ng langis kahapon.
Sa Daet, Camarines Norte ay naglalaro pa rin sa P77. 60 hanggang P79. 09 ang kada litro ng gasolina.
Sa Shell Mancruz nasa P77. 64 ang kada litro ng Fuel Save diesel, P81. 64 sa V- Power diesel, P78. 09 sa Fuel save gasoline at P79. 09 naman sa V- Power gasoline.
Sa Caltex ay nasa P76. 65 ang kada litro ng diesel, P77. 10 sa kanilang Silver at P77. 60 naman ang kanilang Platinum.
Pareho ang presyo sa katabi nitong Seaoil gasoline station para naman sa kanilang Exceed diesel, Extreme U at Extreme 95 gasoline.
Ganito rin ang presyuhan sa Ptt gasoline station para naman sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.
Sa Petron Pandan ay nasa P76. 65 ang kada litro ng diesel, P77. 10 sa kanilang Xtra advance, P77. 80 sa XCS at P78. 65 sa Turbo diesel.
Sa katapat naman nitong Phonenix petroleum ay nasa P76. 65 sa diesel, P77. 10 sa Super unleaded at P77. 60 naman sa premium.
