Vaccination card di na kinakailangan sa polling precinct sa eleksyon – Comelec Bicol

LEGAZPI – Kinumpirma ng Commission on Election Bicol na hindi kinakailangan ng Vaccination card sa loob ng polling precinct sa eleksyon.

Ito ang inihayag ni Comelec Bicol Regional Director Atty. Maria Juana Valeza sa pahayag ng Brigada News FM Legazpi na hindi kailangan ng Vaccination Card sa loob ng presinto at magdala lang ng identification card kung kinakailangan.

Read More:  12 youths hospitalized in Koronadal after eating poisonous tuba-tuba fruit

Aniya, meron din naman na temperature check sa loob ng presinto at kung lumampas man sa 37.5 pataas ang temperature ng botante ay kinakailangan na i-isolate ang ito upang bumaba ang temperatura.

Read More:  PDEA, police dismantle alleged drug den in Davao del Sur

Samantala, matatandaan, sinabi ng ahensya na patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga ahensya de gobyerno upang magkaroon ng maayos na resultang eleksyon.