Presyo ng diesel sa Camarines Norte naglalaro mula  mahigit P70 hanggang P79 ang kada litro, gasolina naman P73 hanggang P77

CAMARINES NORTE- Bumigat pa ang pasanin ng mga motorista  dahil sa panibago na namang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo

Sa Camarines Norte naglalaro na naman mula P70. 95 hanggang P79. ang kada litro ng diesel habang nasa P73 hanggang P79 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Inikot ng Brigada News ang ilang gasolinahan sa Daet at karatig bayan.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa Shell Mancruz nasa P73. 50 ang kada litro ng  fuel save diesel, P79.00 sa V power diesel, P77. 35 sa Fuel save gasoline at P79. 05 sa V power gasoline.

Sa Seaoil, P70. 95 ang kada litro ng kanilang exceed diesel, P73. 75 sa Extereme U at P74. 25 sa Extreme 95.

Sa Ptt gasoline station P70. 45 kada litro ang kanilang blue diesel, P73. 25 ang Blue Gasoline 93+ at P73. 75 ang kada litro naman ng Blue Gasoline 95+.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa Phoenix naman ay P70. 85 ang kada litro ng diesel, P73. 65 sa super unleaded at P74. 65 sa premium.

Sa Petro Gazz Basud nasa P68. 45 ang kada litro ng kanilang GDZL Power, P71. 25 sa GPrime 91 at P71. 75 sa G Premium.