Positibo ang Department of Finance at Department of Agriculture na mas mararamdaman na pagdating ng Enero ang epekto ng tariff reduction sa presyo ng bigas.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na inaasahan nilang mag uumpisang bumaba ang presyo ng bigas sa Oktubre, dahil paubos na ang mga nabiling imported na bigas na mahal ang presyo. Maging ang nabiling mga lokal na palay na tig-30 pesos kada kilo noong January to June ay mauubos na rin sa Nobyembre.
Dagdag pa ni Laurel, sa kanilang pagtaya aabot sa 5-7 pesos kada kilo ang ibababa ng presyo ng bigas sa merkado. Ibig sabihin ang mga 50+ pesos na bigas ngayon ay inaasahan nilang magiging 40+ sa buwan ng Enero.