DMW – walang na-monitor na Pilipinong nasaktan sa patuloy na Israel vs Hezbollah conflict

Tuloy na umaasa ang Gobyerno ng Pilipinas na huhupa ang sitwasyon sa bahagi ng Lebanon.

Sa gitna pa rin ito ng nagpapatuloy na girin sa pagitan ng puwersa ng Israel at Hezbollah.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Una na kasing nag-abiso sa mga Pilipino ang Philippine Embassy sa Beirut na mag-doble ingat, at sumunod sa mga abiso ng Gobyerno para maiwasang malagay sa panganib.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Sa ngayon, sinabi ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na wala pang namo-monitor na Pilipinong nadamay sa kaguluhan.

Sa huling bilang, mayroon nang halos 500 mga namatay dahil sa nagpapatuloy na conflict.