Presumptive leaders BBM, Duterte – inaasahang dadalo sa NBOC proclamation

Kinumpirma ni incoming executive secretary Atty. Vic Rodriguez na dadalo si presumptive president Bongbong Marcos sa proklamasyon ng Kongreso ngayong araw.

Mababatid na inaasahang matatapos na ang bilangan ng National Board of Canvassers ngayong hapon at maaari nang iproklama ang mananalong pangulo at ikalawang pangulo dakong alas-singko hanggang alas-sais ng hapon.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Ayon kay Rodriguez, posibleng pumunta si Marcos sa Batasang Pambansa dakong alas-kuwatro ng hapon.

Ayon naman sa tagapag-salita ni Duterte na si Liloan Mayor Christina Frasco, hindi pa tiyak ang pagdalo ng presumptive vice president ngunit sisikapin nitong i-libre ang kanilang schedule.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Sa isang panayam, sinabi ng miyembro ng contingent ng Kamara na si Ako-Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin na tiwala siyang makadadalo pa rin si Duterte sapagkat nabanggit na ni House Speaker Lord Allan Velasco ang attendance nito sa NBOC.

#