Presidential candidates, humataw sa last day ng campaign

Sinulit ng mga national candidates ang huling araw ng campaign period para masungkit ang boto ng Pilipino dalawang araw bago ang halalan sa Lunes.

Simula kaninang umaga ay unti-unti nang nagtitipon ang mga supporters ni Vice President Leni Robredo sa bahagi ng Ayala Avanue sa Makati City, Metro Manila.

Mayroon ding iilang mga dito na nagpalipas ng gabi para maki-lahok sa huling rally ng bise presidente.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, nakatakda ring magdaos ng miting de avance si dating senador Bongbong Marcos sa Parañaque City ngayong araw.

Nag-ikot naman ang tambalan nina Senador Ping Lacson at Senador Tito Sotto sa bahagi ng Laguna ngayong araw.

Nakatakda rin itong mag-caravan sa bahagi ng Rizal hanggang Cavite.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kagabi, sa pinaka-huling miting de avance nito sa Carmona, Cavite, nanawagan sila sa kanilang mga supporters na magdaos ng ‘silent revolution’.

Sa Moriones, Tondo naman ang scheduled ‘miting site’ ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Ngayong araw din ng Sabado nakatakdang magkaroon ng ‘homecooming-miting de avance’ si Senador Manny Pacquiao matapos ang event nito kahapon sa Cebu City.
#