10-vote buying cases, iniimbestigahan ng COMELEC

Kinumpirma ng Task-Force Kontra Bigay ng Commission on Elections na mayroon na itong sampung mga kaso ng vote-buying na iniimbestigahan.

Ayon kay COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, sampung kaso ng pagbili ng boto ang kasalukuyang iniimbestigahan ng kanilang grupo; habang patuloy pa ang pagdagsa ng nga reklamong vote-buying na kanilang natatanggap sa email adress o sa Facebook page nito.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Samantala, muli naman umapela si Ferolino sa publiko na maliban sa pag-rereport ng mga vote-buying incidents, mas makabubuti aniya kung tumulong din ang mga complainants sa imbestigasyon ng kaso.

Kung hindi raw kasi sila aatras sa paghahain ng reklamo, magkakaroon ng ebidensya ang imbestigasyon at mapananagot ang mga kandidatong namimili ng boto.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang sino mang mayroong nakitang vote-buying incident, o ‘di kaya nama’y inalok ng pera o iba pa kapalit ng boto, ay maaaring magreklamo sa kanilang email address an [email protected] o sa kanilang opisyal na Facebook page – Task Force Kontra Bigay.
#