PRC, ‘di pabor sa pagha-hire ng mga unlicensed nurses

Walang probisyon sa batas na nagsasabing maaaring mag-hire ng mga ‘board eligible nurses’.

Ito ang nilinaw ni Professional Regulation Commission (PRC) commissioner Jose Cueto Jr. kasunod ng mungkahi ni Health Sec. Ted Herbosa na kuhain sa mga public hospitals ang mga nurse na hindi pa lisensyado.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Cueto na hindi pinahihintulutan sa Philippine Nursing Act ang pagtanggap sa mga may gradong 70-74% dahil ang passing rate ay itinatakda talaga sa 75%.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Pinapayagan lang daw ang mga temporary permits sa mga foreign countries kung saan, iniimbitahan lamang sila sa mga humanitarian missions.

Health Sec. Herbosa naman, nanindigang hindi batayan ang exam para masukat ang kakayahan ng mga nurses

Tiniyak ni Health Sec. Ted Herbosa na hindi naman maaapektuhan ang kalidad ng healthcare sa mga public hospitals.

Ito ay kahit na mag-hire ng mga unlicensed nurses at hindi pasado sa board basta ba’t pasok sila sa 70-74% na grado.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay Herbosa, mayroon pa ring mga ‘patient safety guidelines’ para matiyak na pasok pa rin sa capabilities ng mga nurses ang kanilang tungkulin.

Idiniin din ng Kalihim na hindi naman masusukat ang kakahayan ng isang nurses sa pamamagitan ng iisang test.

Muling sinabi ni Herbosa na ang kaniyang mungkahi ay paraan lamang para mapunan ang ansa 4,500 na bakanteng plantilla positions.