Pinagkukumento ng Supreme Court ang National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa inihaing habeas courpus petition ng ina ni Marvin Miranda.
Si Miranda ay ang sinasabing isa sa mga co-masterminds sa Degamo slay case.
Sa notice ng Supreme Court First Division – bibigyan ng hanggang sampung araw ang NBI para mag-kumento sa petisyon na inihain ni Conchita Miranda.
Hinggil ito sa pag-kuwestyon ni Conchita sa ‘di umano’y iligal na detention sa anak niyang si Marvin.
Kung maaalala, ang naturang petisyon ay inihahain bilang remedyo laban sa illegal detention kung saan, sa oras na maaprubahan ay dapat ipresenta sa Korte ang isang tao, at kaialangang magpaliwanag kung ano ang dahilan ng pagkulong dito.
