French Admiral, makikipagpulong sa defense at security officials ng bansa sa Lunes

Kinumpirma ng French Embassy sa Manila ang pagdating sa bansa ni French Rear Admiral Geoffroy d’Andigné.

Nasa Pilipinas ang French official mula 26-hanggang 30 ng Hunyo.

Ayon sa embassy, ito ay para sa pagpupulong hingil sa pagpapalakas ng alyansa ng bansa sa gitna ng mga hamon sa South China Sea.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Nakatakdang dumalo sa pagpupulong kasama ang mga opisyales ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of National Defense (DND), National Security Council, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Army, Philippine Navy.

Noong Mayo, sinuportahan ng France ang Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS) at tinutulan ang anumang aksyon sa mas malaking South China Sea na magpapainit ng tensyon sa rehiyon.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Tiniyak din ng France commitment nito sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at ang paggalang sa international laws.