Aquarium fish gatherer ng Masinloc, tinipon ng lokal na pamahalaan

Tinipon ng lokal na pamahalaan ng Masinloc, Zambales ang lahat ng aquarium fish gatherer sa lugar.

Ito ay para bumuo ng isang samahan na maaring mabigyan ng  puhunan at mapalago ang kanilang negosyo.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Ayon kay Municipal Administrator Glenn Elayda, inorganisa ang asosasyon nakaraang December 6 upang magkaroon ng pagkakaisa sa pamamagitan ng pagbuo ng mga opisyales na kakatawan sa mga myembro.

Samantala sa susunod na taon ay sisimulan na ng pamahalaang bayan ang pagbibigay ng tulong sa samahan para magamit ng mga myembro at mapaunlad ang napiling hanapbuhay.//Russell Banawa-BNFM IBA

Read More:  Tricycle driver shot dead in broad daylight by riding-in-tandem gunmen in Cebu

Photo Courtesy: Serbisyon Potog nin Masinloc

May be an image of food and text