Itinigil na ang paghahanap sa nawawalang crew ng Royale Fishing Company.
Ayon kay CG LTSG GRETCH MARY BLANCA ACURIO ng Coastguard District Palawan, hininto na ang retrieval operation nitong April 24, 2022.
Paliwanag ni LTSG. Acurio, nabigo sa paghahanap ang SAR team at wala rin bakas na nagtuturo sa kinaroronan ngayon ng nawawalang crew na si John Rey Feliciano.
Base sa inisyal na natanggap na ulat mula sa kapitan ng Royal Fishing Company , bumaba ang mangingisda para suriin umano ang makina ng lantsa nang bigla na lamang hindi na ito nakita muli ng kanyang mga kasamahan habang sila ay sa karagatan sakop ng El Nido , Palawan.
Sa kabila nito ay hindi nawawalang ng pag-asa si Mrs. Kristel Joy Manlavi Ebio, ang asawa ng nawawala.