Power interruption, hindi dahil sa makina ng DMCI- PALECO

Ipinaliwanag ng Palawan Electric Cooperative ang mga dahilan ng araw-araw na nararanasang pagkawala ng kuryente sa bahaging sur ng lalawigan.

Ayon kay PALECO Information Officer Rex Ruta, may tatlong madalas na sanhi ng power interruption at kabilang rito ang problema sa transmission line ng NAPOCOR na sila din raw ang mag-trouble shoot.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Pangalawa, ay ang vegetation problem na madalas sanhi ng brownout dahil sa mga sumampang sanga ng punong kahoy sa mga kable ng kuryente.

Ito ay pilit na tinutugonan kaya nagkakaroon ng massive clearing operation na bahagi ng preventive measure para maibsan ang unscheduled power interruption.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa kabila nito, patuloy umano sa pagbuo ng mga plano ang technical services department upang maresolba ang mga problemang ito.

Samantala, nilinaw ng PALECO na nasa maayos na kondisyon ang mga makina ng power supplier na DMCI sa Quezon Palawan kaya hindi raw ito ang pangunahing dahilan ng mga power outages.