Naitala ang bahagyang pagtaas ng positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila at walong iba pang mga Lalawigan.
Sa ulat ng OCTA research, sumipa sa 5.9% ang positivity rate sa NCR nitong June 25.
Naitala rin ang pinakamataas na positivity rate sa Rizal na sumipa ng 11.9%.
Sa ngayon aniya, hindi pa rin nagpe-peak ang mga kaso ngunit inaasahang aabot sa 1,000 cases ang maitatala kada araw sa buong bansa.
Posible umanong tumaas pa ito sa una o ikalawang linggo ng Hulyo ngunit ito ay itinuturing lamang na ‘weak surge’.
#