POPCOM nagdaos ng seminar patungkol sa Youth Health Development sa bayan ng Capalonga

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng seminar ang Commission on Population and Development (POPCOM) katuwang ang Office of the Mayor sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte nitong Lunes na dinaluhan  ng mga kabataan sa naturang bayan.

Kabilang sa mga paksang binigyang pansin ni Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) Mr. Eruel Balce ay ang Adolescence Issues & Concern, Fertility Awareness, Family Planning at Teenage Pregnancy.

Tinalakay din ang tungkol sa Sexually Transmitted Disease (STI) partikular ang  human immunodeficiency virus at Acquired immunodeficiency syndrome (HIV/AIDS).

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa kaniya namang mensahe ay binigyang diin ni Mayor Luz Ricasio ang mga dapat isaalang-alang ng mga kabataan sa panahon ngayon.

Inihayag din nito ang pangangailangan ng pagtatayo ng organizational youth ukol sa pangangalaga ng bawat kabataan at kapaligiran.

Matatandaan na noong Pebrero nitong taon inihayag sa isang ulat ng POPCOM na tumaas ang bilang ng mga kabataang maagang nabubuntis sa bansa.

Batay sa  statistics na ibinahagi ng POPCOM mula sa sa Philippine Statistics Authority (PSA) mayroong 2,411 batang babae ang itinuturing na napakabata o nangangahulugang may edad 10 hanggang 14 na taong gulang  na nanganak noong 2019.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Sa pangkalahatan, ang bilang ng mga menor de edad na Pilipino na nanganak noong 2019 ay bahagyang tumaas mula 62,341 noong 2018 hanggang 62,510.

Sinasabing ang mga numero ng pagbubuntis ng tinedyer ay naging isang lumalaking problema sa bansa.

(photo courtesy: New LGU Capalonga)