Metro Manila, kayang makamit ang population protection pagdating ng Nov.- MMDA

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kaya ng Metro Manila na makamit ang population protection pagdating ng Nobyembre ngayong pinaiigting ng mga lokal na pamahalaan ang COVID-19 vaccinations.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, nagbabakuna ng 200,000 doses kada araw ang National Capital Region, lagpas sa target nnitong 120,000 jabs daily.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Aniya, sa ilalim ng populaion protection, protektado ang unang tatlong sektor, ang medical frontliners, senior citizens, at persons with comorbidities.

Dagdag pa ni Abalos, nag-improve na rin ang healthcare utilization rate sa Metro Manila ngayong bumaba ang COVID-19 cases.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ginagamit na umano ng rehiyon ang 5,000 hanggang 15,000 contact tracers na ibinigay ng labor department at ide-deploy ang nalalabing personnel sa susunod na dalawang buwan.

Target ng Pilipinas na bakunahan ang nasa 58 milyong indibidwal ngayong taon para makamit ang herd immunity laban sa coronavirus.

Sa ngayon, kabuuang 8,407,342 shots na ang naiturok sa buong bansa.