Nababahala ang Commission on Population and Development (PopCom) sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagbubuntis na nasa pagitan 10 hanggang 14 na taong gulang.
Ito ay sa kabila na bumaba ang teenage pregnancies sa mga kabataang Pilipino na may edad 15 hanggang 19 na taong gulang.
Dahil dito, hinimok ni PopCom executive director Lisa Grace Bersales ang gobyerno na gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagbubuntis sa younger age group.
Batay umano sa datos ng Civil Registry of Statistics system ng Philippines Statistics Authority (PSA), sinabi ni Bersales na 2,113 births ang naitala mula sa naturang age group noong 2020.
Binigyang diin din nito na batay naman sa Field Health Service Information System ng Department of Health (DOH), mayroong 2,534 young Filipinas na 10 hanggang 14 na taong gulang ang nanganak noong 2020,pero bumaba ang naturang bilang sa 2,299 noong 2021.
