Gobyerno, nag-alok ng mga programang magpapaganda sa buhay ng mga drug users

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nakalatag na ang mga programa para matulungan ang mga drug users at dating mga rebelde na mapaganda ang kanilang buhay.

Ayon kay DILG Assistant Secretary for Peace and Order Juabilly Racho, inaasikaso na ng DILG at iba pang ahensya ng gobyerno ang livelihood para sa kanila, upang sa pagbalik nila sa komunidad, sila ay wine-welcome.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Maliban dito, tinitignan din ng pamahalaan kung paano mabibigyan ng scholarship ang mga anak nito na nagbalik ng gobyerno.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samantala, ibinibigay naman ang education at livelihood assistance, maliban pa sa rehabilitation para sa mga nalulong sa ilegal na droga.

Matatandaan na noong nakaraang taon, inilunsad ng Marcos administration ang anti-illegal drug advocacy program na tinaguriang Buhay Ay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA).