Political provision ng 1987 Constitution, wala pang tugon mula sa mga mambabatas

Nanindigan si Presidential Adviser on Poverty Alleviation Atty. Larry Gadon nang dinggin ang suhestyon niyang isabay ang political provision sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Gadon, muling iginiit nito na panahon na para hindi na masayang pa ang pondo ng bansa dahil sa halalan sa mga local officials.

Sa ngayon daw, wala pa rin siyang natatanggap na opisyal na sagot hinggil sa kanyang rekomendasyon mula sa mga mambabatas.

Pero may mga nakausap na umano siyang mga mambabatas na pabor na sa isinusulong niyang hakbang.

Sa huli, naniniwala si Gadon na kapag naunawaan ng taumbayan ang issue – susuportahan ng mga ito ang kanyang rekomendasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *