Canteen ng eskwelahan, tinangkang looban; tsinelas ng suspek naiwan

Na-bokya ang isa umanong magnanakaw nang pumasok ito sa Mateo Jagmis Elementary School sa Barangay San Miguel, sa Puerto Princesa noong Huwebes ng umaga, Abril 4.

Sa panayam ng Anti- Crime Task Force (ACTF) sa security guard ng paaralan, sinabi nitong may hinabol siyang magnanakaw na pumasok sa canteen ng eskwelahan ngunit hindi niya iyon naabutan nang kanya itong habulin.

Naiwan sa gate ng canteen ang tsinelas ng suspek at plier na ginamit nito.

Gayunman, walang nakuhang gamit at pera ang salarin dahil nakita agad ito ng gwardya at nakatakbo palabas ng school, ayon sa ulat ng ACTF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *