Policy recommendation ng NMC hinggil sa insidente sa Ayungin shoal, bahagi lang ng preliminary assessment – DND Sec

Ipinaliwanag ni Department of National Defense Secretary Gibo Teodoro kung bakit hindi pinaburan ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga policy recommendations ng National Maritime Council noong Byernes hinggil sa huling insidente sa Ayungin shoal.

Sa ambush interview kay Teodoro, sinabi nitong preliminary assessment pa lang ito noong oras na binanggit ng NMC.

Subalit naging solido lang ang konklusyon na ay naturang insidente ay agressive at labis ang pag gamit ng dahas ng China Coast Guard nang makausap na ng personal ni Pangulong Marcos ang mga sundalong kasama sa naturang rore mission.

Nabatid na nanindigan si Pangulong Marcos na itutuloy ang regular na pagsasagawa ng rore mission at hindi isasapubliko ang schedule.

Dahil hindi anya kailangang humingi ng permiso o magpaalam ang Pilipinas sa kahit na sinong bansa para gampanan ang tungkulin sa ating teritoryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *