CIDG – iba pang rason kung bakit mayroong mga Chinese military uniforms na narekober sa POGO hub sa Pampanga, hindi inaalis

Hindi inaalis ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang posibilidad na may iba pang rason kung bakit mayroong mga Chinese military uniforms na narekober sa sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.

Ayon kay CIDG Director MGen Leo Francisco, apat na sets ng Chinese military uniforms ang narekober doon ng mga awtoridad.

Sa ngayon kasi nakikita nilang mga “souvenirs” ito, na ginagamit ng mga Chinese nationals sa POGO pero nagpapatuloy pa aniya ang imbestigasyon.

Ayon kay Francisco, paiigtingin pa nila ang operasyon laban sa illegal POGO at iba pang organized crimes.

Nauna nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines na hindi sila magbibigay ng spekulasyon sa mga nakumpiskang Chinese military uniforms hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *