DILG: POGO money, posibleng magamit sa darating na midterm elections

Posibleng magamit ang illegal POGO money para pondohan ang kampanya ng narcopolitics sa darating na 2025 midterm elections

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr., maliban sa POGO, posible ding magamit ang pera mula sa illegal jueteng, illegal sabong at illegal drugs para sa nalalapit na halalan.

Mahigipit na aniya ang tagubilin ni PNP Chief Rommel Francisco Marbil sa kapulisan na mananagot at mapaparusan sa ilalim ng batas ang sinumang protektor o sangkot sa ilegal na POGO.

Nauna nang pinaigting ng PNP ng kampanya kontra illegal POGO operation

Una naring nagpahayag ng pakabahala ang COMELEC dahil sa posibilidad na maimpluwensyahan ng mga sindikato sa POGO ang mga politiko sa pamamagitan ng pagbubuhos ng malaking pera sa kanilang kampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *