Police security ni VP Duterte, dapat lang umanong ibalik kaagad – Sen. Marcos

Binatikos ni Senadora Imee Marcos ang ginawang pagtanggal ni Philippine National Police (PNP) Chief, Rommel Francisco Marbil sa police security ni Vice President Sara Duterte na itinaon naman sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA).

Kasunod nito, una nang iginiit ni Marbil na walang pamumulitika at personalang naganap dahil nais lang umano niyang i-rationalize ang deployment ng mga pulis sa security operations.

Read More:  Marcos cancels public events, monitors EDSA rally

Ayon naman kay Marcos, bilang pangalawa sa mataas na opisyales si Sara ay dapat lang agad ibalik ang mga police securities nito upang hindi makompromiso ang kaligtasan ng bise presidente.

Dagdag pa niya, tulad ni dating pangulong Rodrigo Duterte ay tiwala siya sa kakayahan ni Sara na ipaglaban ang batas at kaayusan sa bansa.

Read More:  CWC: protect children’s rights when sharing content on violent incidents

Samantal, binanggit naman din ng senadora na hindi niya kilala ang kasalukuyang hepe na si Marbil.

Maalala, una nang sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na inalisan din siya ng police securities baganat ayon sa PNP, naibalik na rin nila ito matapos ang naging refresher training.